Sa Wakas

Lagi tayong nangangarap na magsimula ulit sa umpisa. Sa simula hindi ng pagtakas kundi ng pagbalik sa sarili. Kung saan ikaw ay malaya. Kung saan ikaw ay walang alintana. Kung saan ikaw ay ikaw. Kung saan ikaw at ang kaluluwa mong inilalatag sa mga letra ay iisa.

At dito ka mag-aanyaya. Patutuluyin mo sila sa bukas na pinto ng iyong pag-iisa.

Sa umpisa.   
Kung saan ikaw at ang pagitan ng iyong pag-iisa ay inookupa ng mga talinhaga. Na ikaw lamang at ang inanyaya ang makauunawa sa simula. 

At dito kayo mawawala. Upang mawalan ng silbi ang pagbabagong wakas ng lahat ng lagi mong pinapangarap na katapusan ng bawat tadhana.

Ikaw ang una mong nililikha.
____________