Isang Dekadang Pag-itan

Ang araw na iyon daw ay marker kung ilang taon na itong ating pagitan.

Isang muhon. 

Sampung taon.

Isang dekada ng mga alaala ang susuungin para muling makatungtong sa harap noon. Sampung biyahe ng mundo paikot ang aangkasan pabalik para muling marating ang parehong araw- ang tiyak na pagitan kung saan idinikta ng uniberso ang pasya- upang muling makapagpakilala:


                        Ako-

                        Ako ang iyong pagtitika. 
                        Ang iyong talinhaga. 
                        Iyong sapantaha.
                        Akala. 

*dito pagigitna ang kalawakan ng lahat ng hinagap  -ang lahat ng pasusubali sa mga teorya ng memorya.

                        Ikaw-

                        Ikaw  ang aking pagkawala.
                        Ang aking unawa.
                        Aking  panata.
                        Laya.

*dito naman dudugtong ang kakitiran ng iilang ginagap –ang lahat ng pananang-ayon sa mga konklusyon ng panunton.

Hanggang umulit muli ang mga wakas. 

Ito iyong kaarawan ng bukas ng mga bukas pa noon-

                        Ang bisperas ng habang panahon.
____________
Para sa maligayang kaarawan ng Bituin. 

18 comments:

  1. isang Batang-genuis ang napadaan :) kamusta po?

    Myxilog

    ReplyDelete
    Replies
    1. maayos naman ma'am. salamat sa pagdaan!

      Delete
    2. Batanguena pla yun kuya :P

      from Myxilog with love <3

      Delete
    3. Batanguena. and genius din. Link kita ma'am ha.

      Delete
    4. ay salamat kuya :D linked you too! :D sa link page :)

      Myxilog

      Delete
  2. mukang matagal tagal din bago ka muling nagsulat... mahaba haba ang naging pahinga :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama. mahaba habang pahinga. salamat naman at napadaan ka sa pagbalik ko..

      Delete
    2. ehehe walang ano man yun... medyo mahirap ng lang pumunta sa pahina mo pero ayos lang. ako po ay bumabalik balik talaga sa mga pahina ng mga sinusundan ko..

      Delete
    3. salamat at nakakabalik ka. inililigaw ka ata ng blogger.com.

      ano kayang problema nitong page na'to.. pambihira

      Delete
  3. buti napadaan ako dito.... na follow na din kita ^^

    keep on posting ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa follow sir. subukan ko magpost pa. ang tamad ko lang :)

      Delete
  4. Walang biro... Ganitong mga pahina ang nais kong madalas na tambayan... Sa mga hinabi mong salita at kaisipan, pareho tayo ng bagsakan.

    Dama ang iyong pagmamahal sa panitikan. Sulat lang ng sulat!

    Pinakagusto ko ang 'bisperas ng habang panahaon'! Galing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku Senyor magaling talaga yang si Red kaya lang ang dalang mag post :(

      Hoy red parinig yan! alam mo na ha :)

      Delete
    2. naku maraming salamat sa mga papuri. baka maniwala ako nyan,

      sulat ng sulat. susubukan ko ser :)

      Delete
    3. ma'am Balut, narinig ko nga. ang tamad ko lang talaga.

      alam mo naman,,

      Delete
  5. wala akong masabi kabayan. are na yta ang pinakamalalim na nabasa ko. ganon pa man ka-dali lang angkasan at sakyan, idol dalasan mo ang pagsulat! ^__^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat. May pag-idol ka pa ha. hehe. Nabasa ko ang interview mo kay Senyor Iskwater. Salamat sa mention.

      Ang laki na ng ulo ko nyan! hooh!

      Maraming salamat ulit!

      Delete