Tuwing
pagkakatapos ng taglamig at walang-wala nang dahon ang punong Narra sa kalayong
bahay namin sa silangan, ganitong mga panahon din naglalagas ang aking
kaluluwa. Nagluluno ang aking isip. Nagpapalit-pintig. Naiiba ang himig ng pamimihasa.
Hindi
ito sadya. Siklo ito ng pagkatao kong mapambuyo sa panahon; mapambuno sa
pagkakataon.
Ako
lamang ito. Alam na alam ko na ang mga susunod. Bilang na bilang ko na ang mga
ikot.
Ako
lamang ito. At paglimot.
At
paghakot muli ng pinaglipasan na ng panahong mga kasaysayan. Para sa
pagpapaalalang ako lamang ito. At alaala. At pagmemorya muli sa bawat ikot ng
panahon. Pananadya sa pagkakataon.
Alam
mo na rin marahil ito. Sinasabi kong muli sayo: Tuwing pagkakatapos ng
pagpapalaya ng tadahana, wala ka nang mauunawa.
Wala.
____________