Tuwing
pagkakatapos ng taglamig at walang-wala nang dahon ang punong Narra sa kalayong
bahay namin sa silangan, ganitong mga panahon din naglalagas ang aking
kaluluwa. Nagluluno ang aking isip. Nagpapalit-pintig. Naiiba ang himig ng pamimihasa.
Hindi
ito sadya. Siklo ito ng pagkatao kong mapambuyo sa panahon; mapambuno sa
pagkakataon.
Ako
lamang ito. Alam na alam ko na ang mga susunod. Bilang na bilang ko na ang mga
ikot.
Ako
lamang ito. At paglimot.
At
paghakot muli ng pinaglipasan na ng panahong mga kasaysayan. Para sa
pagpapaalalang ako lamang ito. At alaala. At pagmemorya muli sa bawat ikot ng
panahon. Pananadya sa pagkakataon.
Alam
mo na rin marahil ito. Sinasabi kong muli sayo: Tuwing pagkakatapos ng
pagpapalaya ng tadahana, wala ka nang mauunawa.
Wala.
____________
wow sumakit ang kakarampot kung utak sa pagaanalisa ng likha mo lolz
ReplyDeletelol. di ka na nasanay sa akin. gabing gabi na napadaan ka oa dito. maraming salamat!
Deletewow welcumz backz! astig! kakamiz ang mga may sustansyang post sa blogworld!
ReplyDeletesalamat Senyor! Namiss ko kayong lahat dito. :) sana tuloy tuloy na ito...
Delete"Panunumbalikan" na ba talaga> Pangbitin ka lang lagi eh ha ha ha.
ReplyDelete"ganitong mga panahon din naglalagas ang aking kaluluwa. Nagluluno ang aking isip. Nagpapalit-pintig. Naiiba ang himig ng pamimihasa."
= feeling ahas lang ba? Nagluluno eh! ha ha ha miz u red!
namiss ko din kayo dito madam!
DeleteAha! Now I know who is Deck on that Google page :) Now I need you and I'm not accepting no for an answer :)
DeleteWill you be my guest blogger for a special post?
yes mam ako po yun. kailangan ko pa mag-ipon ng maraming ingles nyan. :)
Delete