Mandarasal

Sumasampalataya ako sa pag-ibig
Sa bitbit nitong init sa aking mga kilig
Sa kabig nitong lamig sa aking mga ligalig
Sa iwan nitong ligamgam sa aking mga agam-agam:

Na ang pag-ibig ay kasal
Ng mga pusong namamaalam sa katawan,
Kumpisal ng mga damdaming kumakalas sa katinuan,
Simbahan ng mga alaala mong kinukulong sa isipan.


Na ang pag-ibig ay dasal -
Taimtim at payapang usal ng mga hiling
Sa dahas at ingay ng paninimdim.
Na ito’y didinggin sa tiyak na pananahimik
Kapag walang pag-asa nang nababatid

     At ito'y hihilig

          Sa mga nananalig.
____________