Panunumbalikan

Tuwing pagkakatapos ng taglamig at walang-wala nang dahon ang punong Narra sa kalayong bahay namin sa silangan, ganitong mga panahon din naglalagas ang aking kaluluwa. Nagluluno ang aking isip. Nagpapalit-pintig. Naiiba ang himig ng pamimihasa.


Hindi ito sadya. Siklo ito ng pagkatao kong mapambuyo sa panahon; mapambuno sa pagkakataon.

Ako lamang ito. Alam na alam ko na ang mga susunod. Bilang na bilang ko na ang mga ikot.

Ako lamang ito. At paglimot.

At paghakot muli ng pinaglipasan na ng panahong mga kasaysayan. Para sa pagpapaalalang ako lamang ito. At alaala. At pagmemorya muli sa bawat ikot ng panahon. Pananadya sa pagkakataon.

Alam mo na rin marahil ito. Sinasabi kong muli sayo: Tuwing pagkakatapos ng pagpapalaya ng tadahana, wala ka nang mauunawa.

Wala.
____________

Ang Araw na Ito

September 21, 2005

Ang birthday mo parang marker na rin ng kung ilang taon na tayong magkaibigan. 3 years na. Kung last year euphoric ang theme - high as a kite, honeymoon period... Ngayon, we're getting through a heavily sieving stage, and not unscathed. 



Not unscathed at all.
____________

Ilang buwan na rin syang walang linya. Kaya gusto nyang marinig mo naman kung tumitibok pa ba ang puso nya o kung may puso pa ba ang taong sinusundo mo sa opisina at inihahatid sa bahay nila.

Gusto n'yang humingi ng paumanhin dahil nangako syang maging kaibigan kahit ano pa ang mangyari. Naramdaman nyang kaya nyang gawin kaya madalas niyang sinusulat noon. Pero pagkatapos ng isang masaya, madugo at masalimuot na taon, she managed to be here, still around yes but she did not manage to be the same person she has been.

She emerged from the rubble not as sensitive, not as accommodating, not as submissive, not as "entertaining", not as herself anymore. But it's like meeting a new friend. Sorry...

Pero salamat dahil ikaw ang pumigil sa mga kamay niyang tuluyan nang bumibitiw. 
It took your pulling on her sleeve to look back at you and think again. 
Salamat at hindi mo pa rin siya sinukuan. 
Kahit mas mahirap na siyang pakisamahan ngayon.

Salamat sa pagpapa- alala ng mga alaala. Salamat sa pagtatago.
Sa pagbubura ng kalawang.
____________

Salamat dahil sinusubukan mong kaibiganin ang kaluluwang ipinapalit nya. Hindi na s'ya babalik. I made that decision as well. Hindi ako kasing vocal, kasing daring, kasing carefree n'ya. Iba siguro ang pag-intindi ko sa'yo sa pag-intindi n'ya. Wala na ang mahahabang sulat at mga walang okasyong text, walang walang usapan, walang walang hanggang time, wala pa ring /(slash) time...

Hindi ko nga alam kung may maipagmamalaki ako na wala sa kanya. Wala yata. Siya ang nagmahal at minahal ng mga taong minana ko sa kanya. Basta ang alam ko may naiwan pa siya na taglay ko rin pala: ang pagmamahal at pag-aalala n'ya sa inyo at sa'yo, na walang paliwanag, ang pagtitiwala at paniniwala n'ya sa'yo, ang hangad na mapabuti ka at maging masaya.

Yung mga hindi n'ya nakayang gawin, they're better done than said.
"Gagawin mo bang lahat yun?"
"I'm willing, and that's a start. Let's see where it takes me."
Isang bagay ang malinaw, despite everything that's happened, Espesyal ka pa rin - a unique piece of light that shone my way.

She loved you so much even to such an end.
And if you must have missed her, she undoubtedly misses you...

Happy birthday, Red.
____________
sulat ng isang nilumang kaibigan

Kay Ginoong Manunulat

                           Ginoong manunulat, ako’y sulatan mo
                           Ng mga bagay na hindi pa nasasabi sa’kin ng mundo;
                           Mga bagay na walang katuturang binibiro.
                           Birong sinusulat ng katulad mong mapaglaro.

                           Paglaruan mo ang pinupuno kong kakulangan
                           Sa inaanay na buhay kong walang pag-alayan
                           Ng pinatay na panibugho’t uyam ng kapalaran.
                           Nawa’y palaring gaya ng bungo mong walang laman.

                           Lam’nan mo ng kawalan ang aking pagkamanunulat
                           Na pag-iral lamang sa daluyong mong kalat.
                           Sa daloy ng iyong maalong pagkamamamahayag
                           Hayagan mong pangarapin ang pangarap kong binagabag.

                           Bagabagin mo ang takot kong sa mata alintana-
                           Ang matang siyang tumitig sa iyong pagkamanunula.
                           Tulain mo ang awit kong minata ng kanilang pagkamamumula
                           At awitin ang alamat ng Ginoong Tagahanga.

                           Hangaan ako’t tutupad sa tungkuling hila mo
                           Tungkol sa mga gawang di pa maitago ng anino.
                           Pagtaguan mo ako ng patungkol sa kung alin ang sino
                           At sisinuhin kong magaling ang bitbit mong pagsuyo.

                           Suyuin mo ang panulat kong inibig ng dilim.
                           Iibigin ko naman ang kadiliman ng iyong paglilihim.
                           Pagdimlan man ang lihim mo ng tunay kong pagkatao
                           Patunayan mo kayang ikaw at ang ginoong manunulat ay ako?
____________________________________
salamat CEGP para sa Emman Lacaba 2006