Sa Wakas

     Sinisimulan kita sa pamamagitan ng lahat ng mga hindi ko nakasanayan; ng iilang mga hindi ko napagkakasyahang alalahanin at alalayan, ng iisang hindi ko matant'ya kung hanggang saan ang abot ng ngiti, kailan ang ligpit ng sabik, ilan ang hakbang ng hikbi:



     bumati ng magandang araw;
     manimbang maghapon;
     magmahal ng magdamag;
     manuyo ng buwan;
     akayin ang taon;
     tawirin ang kailanman

   



    at magsulat sa lahat ng pagitan.

____________

12 comments:

  1. i love rainbows!
    I've several photos of them and I'm just waiting for a perfect time to share. san kuha ang rainbow mo?

    at muli, napaka-lalim na naman. try ko lang i-translate yung phrases mo ha...

    wish a happy day;
    try to balance whole day through;
    (make) love all night long; (lol to "make")
    sweet talk with the moon; (ngeeeh!)
    hhww all year round;
    (hhww=holding hands while walking. lol)
    conquer forever;
    scribe in between (???)

    ... at sana lang, sinama mo ang "pumindot ng madiin"

    ha ha ha! say mo? pinaghirapan ko yan ha :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang larawan ay kuha sa dating eskwelahan. kauulan lang.

      gusto ko yang (make) love all night long :) hindi ko naisama yung pumindot ng madiin baka i-block ako ni google

      salamat. effort talaga ang comment. I appreciate. maraming salamat ma'am!

      Delete
  2. dalawa ang rainbow na kita ko... ganda.. bumagyo ba? hehehe, exchange links tayo... tzak supporting actoran din... alam mo na.... hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama. kauulan lang noon. na-link na rin kita. salamat!
      syempre supporting actor din ako..

      Delete
  3. magmahal ng magdamag... like it!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat Marco. Minsan magdamag lang ang kaya ko :(

      Delete
  4. Dumugo ilong ko sa tagalog mo. Hehe. Mabuhay ka Pula!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang hirap kasi mag-ingles kaya nananagalog n lang ako. salamat sa pagdaan daan dito. mabuhay ka rin. salamat,,

      Delete
  5. Kalalim ga naman nare, aba'y ako'y Tagalog din ay di ko pa din mawari eh, ay kainaman!! Haha, natutuwa ako kapag nakakakita ng kabayan dito sa net. Nagkasalubong na kaya tayo sa underpass ng CBD?! Aba'y bumati ka naman kabayan. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. malalim ga? hehe hayaan mo na. ung nagagawi ka sa may Paseo de Roxas malamang nagkasalubong na tayo

      Delete
    2. Malamang nagkasalubong na nga tayo, hehe. Kinatatakutan ng mga aswang, yaon ang sagot ko ga. ;)

      Delete
    3. kahirap ga nareng hindi ko naman mawari kung sino ka ay hindi kita makakamusta sa daan. :) Magkakasalubong tayo minsan at makapag-kape!

      Delete