Bago Matapos ang Marso

Hindi mo na rin s'ya sinusulatan. Wala na rin s'yang masabi kundi patlang.

Baka kasi alam mo nang papalaki ang agwat ng inyong proksimidad. Baka alam mo nang ang inyong pagkakaibigan ay perpendikular. Ang inyong pagmamahal ay sentripital. Baka alam mo nang ang iyong araw ay ang grabedad ng kanyang tag-ulan.

O namamali lang s'ya.
     
Gayunman, paulit-ulit ka niyang babatiin. Hanggang ang araw mo ay sa Bituin.


Dahil may kanyang alituntunin ang uniberso sa lahat ng kasiping ng kanyang pisika, ang magagawa na lamang niya ay maglapat ng mga letra sa umuusad na espasyo ng inyong kalawakan. Para sa palaging pag-ikot dito ng mga mundo ay hindi siya maglalaho sa mga alaala.

Alam n'yang naririyan ka.
____________________________________

10 comments:

  1. ^_^

    Meron pa 'to kasunod pag uwi ko.

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. ay sus. salamat po. salamat napa-comment ka.

      Delete
  3. down chat box mo :(
    dito na lang ako mag-iiwan ng bakas kahit pilay ang pagtakbo ko :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano namang nangyari sa cbox.

      ano palang nangyari sayo? salamat sa pagtakbo dito,,

      Delete
  4. followed you.follow me back.

    thanks for dropping a comment on my cbox

    ReplyDelete
  5. isa kang makata. alam mo ba yun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. nagmamakatamakataan lang. pasensya na.
      salamat napadaan ka dito

      Delete