Belatest

Ni hindi n'ya kabisado kung nasaang lugar ka ba o kung anong pinagkakaabalahan mo d’yan. Wala s’yang ideya kung saang direksyon ‘yan papunta. Hindi na rin nya alam kung gaano ka na kalayo sa kanya – isang sindi ng kandila? Dalawang sakay? Tatlong pahinang sulat? Apat na taon?

Nawala na sya sa bilang. Hindi na n’ya saulado ang kasaysayan ng inyong pagkawalay. Hindi na n’ya gamay ang heograpiya ng inyong pagkakaibigan.

Huli na naman s’yang bumati. Huli na naman. Huli na nga, hindi pa magaling. Matagal. Mabagal. Nahihirapan na s'yang sunduin ang mga alaala mo sa dating opisina at mga kaibigan, sa lumang simbahan at plasa, sa natatangos na mga kanto at sulok ng Lipa..

Pero ang araw na ito nga ay sa’yo. Ang kinabukasan ng bukas naman nito ay sa kanya. Naisasama mo pa ba kaya s’ya? Palagi bang sasapat ang naririto s’ya at naririyan ka?

Sana.

Kung hindi’y dahan-dahanin naman sana ng panahon ang pag-agwat ng dulo nito sa nasimulan.

Para makapagsimula ulit kayo ng bilang sa lahat ng pagitan.


Para kahit huli ma’y patuloy siyang makapag-maligayang kaarawan.
____________________________________

8 comments:

  1. KAARAWAN mo ba red? MALIGAYANG KAARAWAN! paborito ko ang cake sa larawan :)

    at san ka nanggaling. kung ako'y nawala, mas matagal ka yata? maligayang pagbabalik at salamat sa dalaw :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaarawan ko nga ma'am. Tagal ko nawala. May pinagkaabalahan lang. Hindi pa rin nakakabalik ng tuluyan pero sinusubukan.

      Salamat sa palagiang pagkokomento.

      Delete
  2. Hello kabayan, musta na ga? kabigat ga naman ng poste mong are, kahirap dalhin eh, fireworks naman sa susunod ha. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maayos naman ang lagay ko kabayan. Ano ga namang mabigat? Hindi naman kailangang dalhin :) Tapos na ang fireworks naman..

      Salamat sa paglagi dineh. Ako'y isama mo minsan sa pag-gala.

      Delete
  3. Replies
    1. too deep ba. sasabihin ko hukayin pa nang kaunti. salamat sa mga komento..

      Delete