hanggang kailan ka anak
ng nanay mong
tila nagpasyang hindi na maging ina
sa iyong sinukuan na
ng pagka-tatay ng ama
magkano ang pagkataong
inutang sa semilya
at iniupa sa bahay-batang
tinuluyan nang madilim na mga buwan
tungo sa mas mahabang taon ng singilan
kailan ka anak at hindi
ng magulang mong hindi mabayaran
ng bait, ng dunong, ng sipag
ng pagmamahal ang lahat nilang ipinuhunan
sa nalugi nilang mga pangarap
at ang nasawi mong mga pagsisikap
ay hindi ba nila mapapatawad
hanggang mamalimos ka
sa bubong kung saan ka sumilong,
sa pinggan kung saan ka lumamon
kailan taong ganap ang isang anak
kung ang pusod niya
ay pilat tanda ng pagkakulong sa ina
at sa pangalan niya'y
may marka ng pagkatali sa ama
____________________________________
para sa araw ng mga Ina at Ama ngayong Hunyo
binasa kong mabuti ito. balong malalim, pero habang binabasa hindi lang sa isip mo mabubuo yung gustong iparating.
ReplyDeletesalamat sa palagiang pagbasa at pagbisita. inilagay mo pa ako sa isa sa tatlong paboritong blog.
Deletehindi ako sanay sa ganoong pagtangi dahil lagi akong hindi deserving :) Maraming salamat ulit.
wow, super nosebleed ako dito... ang husay ng pagkakasulat nito... Isang likha ng pagtatanong sa iyong pagkatao :D..
ReplyDeleteMahusay mahusay..
Salamat Rix.
DeleteNapapatanong rin ako kung kailan nga ba? Di kaya habangbuhay?
ReplyDeletehabang buhay nga siguro sir. Baka higit pa doon.
Deletealng lalim grabeh kapatid naka-dalawang balik ako bago ako nakapag-comment pero di ko pa rin madiwaang gaano slight pa rin ha ha ha
ReplyDeletesalamat sa koment mam kahit hindi mo madiwaan ang mga gawa mo. adik lang.:)
Deletewag magsasawa ma'am, salamat po.
Siguro habang buhay at hanggang buhay tayo
ReplyDeletesiguro nga po.
Deletesalamat sa pagsagot sir at sa pag follow!
This is one of the greatest Filipino poems i've ever read from a blogger friend (feeling)... Lupit!
ReplyDeleteThis is one of the greatest compliments I've read from a blogger friend. :) Greatest. Wow. Big word.
DeleteMaraming salamat senyor.
Habang buhay tayong magiging anak ng magulang natin anuman at sino man sila. at habang buhay din tayong may utang sa kanila na di natin mababayaran dahil wala naman itong katumbas na halaga. pero sabi nga nila, mauunawaan daw natin sila at malalaman natin ang halaga ng lahat ng ginawa nila para sa atin sa oras na tayo ay maging magulang na rin. Kaya sige na at alamin mo na...hehe!
ReplyDeleteNaku medyo wala pa ako sa katinuan para alamin. hehe. patay tayo dyan :)
DeleteTama. hindi natin ito mababayaran kahit ilang ulit pa tayo i-audit ng kung sino.
Ayos ah! Malupit ang pagkakahulma ng mga salita! Galing!
ReplyDeleteComing from The Sir Mar .. naku naman maraming salamat po.
DeleteGusto ko 'yung pagkataong inutang sa similya... big word! Pautang naman ng pagkatao... hehehe
ReplyDeleteNagpapautang. 5 gives. Hehe
Deletenice one..
ReplyDelete.