Muhon

"Please remember that four months can extend to a lifetme.
There are many probabilities: water comes back to shore - 
not necessarily the same water,
not necessarily the same shore - belonging to one same set.
The earth is still one big mass of land and has one big body of liquid."
_____________

Ito raw yung naaalala n'ya - dagat, langit, bangka, tubig, alon. Wala pa ako.

Mabilis ang apat na buwan. Kailan naman kaya ang habambuhay? Kailan kaya ito sisimulan? Paano ba natin susukatin ang lifetime kung pare-pareho pa taong buhay? Paano natin yun mararanasan kung hindi natin alam na ito'y iyon na?

Pero kung kasama dito ang mga araw na ito at lahat ng  kahapong kasama s'ya, salamat sa pagpapaalala. 

Namatay na yata ako nang paulit-ulit. Ganoon din siguro s'ya. Hindi ko alam. Nabuhay ulit ako mag-aapat na taon na at kung nasaan man ang dulo nito, sana wala akong bagong tao roon na muling kasama. Hindi rin sana ako bagong tao roon na kasama s'ya.

Kaya wala munang kahit anong lalagpas mula rito. Ito ay hanggang naroon s'ya at  narito ako.

Paglipas na ng ating habambuhay ako mangangako.
____________
Circa 2009. Dito nagmula ang pangalan ng blog.

10 comments:

  1. ngayon 'pag nababasa ko ang Muhon dalawa lang yan, Pagkapit at Paniniwala. hehe ^__^

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa'yong pagkapit at paniniwala. :)

      Delete
  2. kahit ilang beses kong paulit ulit na basahin, hindi ko talaga maintindihan

    ang lalim... maraming itinatago sa likod ng mga kataga

    ReplyDelete
    Replies
    1. pasensiya na po kung hindi nyo maintindihan. minsan hindi ko rin maintindihan ang sinusulat ko. misan pag binasa ko ulit sa ibang araw saka lang lumalabas ang gusto kong sabihin.

      salamat po sa pagbasa.

      Delete
  3. Namatay na yata ako "nang" paulit-ulit.

    gusto ko yung konsepto at tapang nang sinabi n'yang ang apat na buwan ay maaring panghabambuhay. Nalungkot lang ako at itinali ito sa katagang "Kaya wala munang kahit anong lalagpas mula rito".

    Kapag nagbabasa ako rito, parati kong naalala ang hindi na nag-a-update na putikatbahaghari. Siguro nawala s'ya pero salamat at narito ka at ang iyong mga akda. Mahusay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko pa nababasa yung putikatbahaghari sir.

      salamat sa laging pagdalaw dito sir at pagbigay ng komento.

      Delete
  4. May pait at lungkot ang post na ito.

    Matalinghaga ang mga binitiwang salita.

    Ang galing mo talaga... as in!

    ReplyDelete
    Replies
    1. may pait at lungkot sir. may pag-asa ding makasabay sya sa habangbuhay o sa paglipas noon.

      salamat sa pagbabasa dito sir Mar.

      Delete
  5. San napunta yung comment ko dito Red? Pakihanap nga :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko alam kung saan napunta ma'am. Ano bang sabi mo? hehe

      Delete