Kung matatandaan mo ang petsa
Malaman mo kayang hinintay kita
Sa pagitan ng isang kilometrong luha
Paikot sa hangganan ng 'yong diwa?
Kundi ma'y alalahanin mo ang lugar
Kung saan nagsimula ang pag-akbay
Ng aking hinliliit sa'yong isip
At umakay sa saglit mong pag-ibig.
Doon ako nag-abang noong ating araw.
Noong aking gabing walang buwan
Dahil wala ka't bumuhos ang ulan
Sabay ng agos ng luhang walang puwang.
Lingunin mo sana ang iyong nakaraan
At naroon ang kasaysayan ng aking pagmamahal.
Kung kailan ay noon at ang lugar ay doon.
Magmula dito, hanggang ngayon.
____________
poetry... never fails
ReplyDeleteSweet inggit ako ;p
Thank you sir. Yan din ang tingin ko sa pagtula.
DeleteAno nga yung pelikula ni Adam sandler at drew barrymore? Kung nangyayari talaga yun sa totoong buhay, sana mayroon ding taong handang magpaalala sa mga bagay na agad kinalilimutan. Sana. Pero bibihira lang ang taong makakalimutin eh, yung iba sadyang nag-aastang nakalimutan na nila ang partikyular na bagay na iyon lalo kung ito'y tungkol sa pag-ibig at trahedya pero sa bawat hibla ng ugat ng puso at isipan naroon lamang ito nakakapit.
ReplyDeleteMagandang araw sir.
That movie is titled "50 First Dates'
DeleteDrew's character is suffering from "Short term memory loss" condition caused by an accident. Before Adam Sandler came into her life, her father and brother were religiously filling in the blanks of her lost memory so that she could continue living life normally. The father and brother effort part of the movie really breaks my heart and made me understand more about unconditional love to a family...
I really love that movie.
Ang ganda ng comment mo Mr. Joey Velunta senysa napasawsaw tuloy ako :)
Hindi ako madaling makalimot. Muhon-muhon ang isip ko ng mga alaala.
Deletehttp://www.angatingpagitan.blogspot.com/2012/02/bungad.html
Magandang araw.
Hindi ko malilimutan ang magpasalamat.
hayyyyy nakakasawa na ang sabihin sa'yo na ang galing mo!
ReplyDeletemaganda ang tula! galing mo sir!
sana pwede kang ma-feature sa buwan ng September... ok lng ba? cepsdee@me.com
pls...
Hindi ako makakatanggi sir. salamat sa imbitasyon. karangalan ko pong ma-feature sa blog mo.
DeletePagbabalik tanaw sa isang wagas na pag-ibig!
ReplyDeleteAs usual! Tama si Senyor! nakakasawa nang sabihin na ang galing mo!
Ang galing galing mo!
Ayan, sinabi ko pa rin :)
Maraming salamat.
DeleteHanggang salamat lang ako palagi. Pero maraming salamat po :)
Bakit laging mahapdi ang mga titk mo?
ReplyDeleteHindi ko rin alam Yas. Hinahanapan ko rin ng dahilan kung bakit dito sumusuot lahat ng lungkot ko. Dito lang din yata ako ganito. :)
DeleteAng sweeeeet. :)
ReplyDelete:) salamat sa pagbisita dito Umi.
DeleteEksatamente Senyor! Yan din lagi kong sinasabi sa kapatid na si Red! NAPAKAHUSAY!
ReplyDeleteSalamat ma'am. As always pinalalaki nyo palagi ang ulo ko. hehe.
DeleteSalamat po palagi.