Lunch Mate

Ilang linggo na rin tayong sabay mananghalian. Magana tayong kumain nitong mga nakaraang araw. Mahilig ka sa fried rice kahit alam nating bahaw 'yan. Lagi ka pang may coke in can. Hinay-hinay ka lang.

Wag ka na ring magnakaw ng tingin kapag hihigop ka ng sabaw. Pwede mo naman akong titigan. Ako ba ang tingin nang tingin o ikaw? Kapag mapapasulyap kasi ako eh nakatingin ka rin kaya malamang ikaw. Mamumula ka lang sabay ayos ng salamin. Ako iiwas din ng tingin. Ngingiti-ngiti. Napapa-iling. Sasawayin ang sarili.

Baka naman hindi. Tigil. Tungo. Hingang malalim. Kain.

Ganyan tayo hanggang alas dose. Early lunch. D'yan ka sa table mo. Dito ako kasama ng magugulo kong katrabaho.

Ako nga pala si Fredericko. Taga...

Wag kang mag-alala. Alam ko naman ang dahilan kung bakit hindi pwedeng sa isang lamesa tayo mananghalian.
____________________________________

8 comments:

  1. sino si lunch mate? kayo na :)

    ReplyDelete
  2. Parang medyo naka-relate ako dito. Hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. may lunch mate ka rin? :) hirap pag lunch mate lang. hehe.
      salamat sa comment!

      Delete
  3. sino b c lunch mate? hmmmm.. isa ako s magugulo mong katrabaho.. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. andyan ka pala. gusto mo ba? :)

      hamo na yun.kanin club na lang tayo!

      Delete