Matutulog akong walang unan
sa kama kong masikip
at malamig, at maingay
ang nag-iiyakang mga kuliglig
na nagbabantay sa'king ulunan.
Buhay ang ilaw sakaling maalimpungatan
nang hindi malunod sa dilim,
at bukas ang pinto, ang bintana sa hangin
para sa buntong-hiningang huhugutin
ng dibdid kong mayro'ng dagan.
Bahala na kung managinip
at makabangon ang isip
sa aking paghilik, sa aking paghipig
mula sa kawalan ng malay
at himbing ng higang pakanluran.
Hindi na rin ako nag-magandang gabi
sapagkat wala ring magandang araw
kung magising man, kung magisnan
ang ikinumot kong pag-asam
na sana'y bukas umiiyak kang dumadalaw.
"Hindi na rin ako nag-magandang gabi
ReplyDeletesapagkat wala ring magandang araw"
aaaw! :(
at nawala naman ako kapatid sa "paghipig"?
may munti naman akong galing sa pag-unawa ng malalim na Tagalog ngunit tila yatang nawala ako sa "paghipig"???
ma'am ang paghipig dito sa amin ay pagtulog. parang ganun. pero parang pauso ko lang.
DeleteBakit? parang malungkot at natatakot ka sa tula mo nato. Ang lalim ng mga kataga mo. Hi red finalow ko na ang blog mo. :)
ReplyDeletesalamat sa follow sir! ni-link na rin kita.
DeleteHindi po malungkot yan. Antok lang. :)
magandang gabi kabayan (kahit ala ka sa mood..hehe). higang pakanluran talaga? iba ang ibig sabihin nyan sa atin di ga? gawin mo na laang pa-silangan, pangontra. ;)
ReplyDeletehehe. wala lang yan.
Deletesalamat sa komento kabayan.
ganda... astig kang tumula idol ^__^
ReplyDeletesalamat. marami pa akong kakaining bigas. pero salamat..
Deleteang lalim pero mahusay ang pagkakabuo sa mga salita...
ReplyDeleteNagustuhan ko ung pagkakalahad mo sa tula... keep on writing ^^
like ko din ang line na ito
"Hindi na rin ako nag-magandang gabi
sapagkat wala ring magandang araw"
salamat at nagustuhan n'yo sir. pagbubutihan ko sa susunod at dadalas dalasan ang pag-post.
Deletesalamat ulit..
Di ako alam kung sinadya mo yung pag-iisipin mo ang iyong mambabasa tungkol sa ipinapahiwatig mong persona. Yung bahagi na (bukas umiiyak "kang" dadalaw, napaisip mo ako dito. Sino ang dadalaw na umiiyak? Si puyat o yung nagdudulot sa 'yo ng puyat? Nahusayan ako dito talaga. Galing!
ReplyDeleteMedyo naalangan lang ako sa tugma. :)
Magandang araw po.
Hindi ko sinasadya magpaisip sa nagbabasa. Kahit ako napapaisip kapag nagbabasa ng mga nasulat ko. Hinahayaan ko lang ang daloy ng mga salita. Inaayos. pinagdudugtong. ang ending tinatanong ko rin ang kahulugan nito.
Delete